Inaalam ngayon ng pulisya kung anong uri ng bomba ang sumabog sa loob ng isang pampasaherong van sa Ecoland, Davao City, kahapon.

Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), nangyari ang insidente dakong 9:00 ng umaga sa Ecowest Drive sa Ecoland.

Isinugod sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang helper ng driver na kinilala lang sa pangalang “Tata”, makaraang tamaan ng salamin sa ulo.

Ayon sa pulisya, biyaheng Midsayap, Cotabato-Davao City ang van (MVW-553) na galing sa Pikit sa North Cotabato at lulan nito ang apat na pasahero.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

May mga pasahero rin na sumakay at bumaba sa Midsayap.

Sinabi pa ng pulisya na may mga pasaherong sumakay mula sa Digos City, na tatlo ang bumaba sa Ecoland terminal at ang isa naman ay bumaba malapit sa pinangyarihan ng pagsabog.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya, ngunit may hinala na extortion ang motibo sa pagpapasabog sa bus.

(Fer Taboy)