Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang riding-in-tandem ang isang 48-anyos na babaeng negosyante habang nasa gasolinahan ito sa General Trias, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Evelyn Nebreja, 48, negosyante, ng Governor’s Hills Subdivision, Barangay Biclatan, ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 8:00 ng gabi habang nagpapagasolina ng kanyang sasakyan si Nebreja sa Bgy. Manggahan ay bigla siyang nilapitan ng gunman at pinagbabaril.

Nang matiyak na napuruhan si Nebreja, mabilis na tumakas ang gunman sakay sa motorsiklong minamaneho ng isa pang suspek sa ‘di kalayuan. (Beth Camia)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog