Tatangkaing makuha ng mahahalagang basket mula kay Anton Asistio ang Ateneo de Manila upang mapataob ang Arellano University (AU), 107-100 para maangkin ang titulo ng 13th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament sa larong idinaos sa Far Eastern University gym.
Naging matindi naman ang pagtatapos ng Infant Jesus Academy ng Pampanga para makopo ang juniors crown matapos pataubin ang Manila Patriotic Schiool, 81-65.
Ang korona ang ikalawang titulo ng Ateneo sa seniors division ng liga sa nakalipas na dalawang taon.
Itinala ng 5’10 na si Asistio ang kanyang personal best na 45-puntos na kinabibilangan ng pitong 3-pointers para pangunahan ang nasabing panalo ng Blue Eagles.
Umiskor ng 17-puntos si Gil Mercado, nag-ambag si JB Calma ng 15, at tig-13 sina Dolrich Garcia at Jeremiah Pangalangan para pamunuan ang Deltas kontra Patriots na pinangunahan naman ni CJ Lumague na nagtapos na may 20-puntos.
Nag-step-up si Asistio upang punan ang kakulangan sa laro ng kanilang ace guard na si CJ Perez na naglaro kahit may iniindang sprained ankle.
Pumukol si Asistio ng tatlong sunod na 3-puntos sa huling 1:01 segundo ng laro na siyang sumelyo sa kanilang panalo matapos itaas ang kanilang bentahe sa 101-95 .
“It’s our defense. We were able to shut out one of their shooters. The players stepped up, and and some of them showed that they are ready for Team A next year,” pahayag ni Blue Eagles coach Yuri Escueta.
“Masarap ang panalo na ito. We proved that this tournament is not just for Manila teams,” ayon naman kay Deltas coach Allan Trinidad.
Samantala, nanguna para sa Chiefs si Michael Canete na nagtala ng 14-puntos.
Natapos naman na may 20-puntos si Perez para sa Blue Eagles. (MARIVIC AWITAN)