Magandang balita para sa mga motorista.

Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga.

Sa pahayag ng Shell, epektibo 6:00 ng umaga ay magtatapyas ito ng 45 sentimos sa presyo ng kada litro ng kerosene, 40 sa gasolina at 30 sentimos sa diesel.

Asahan na ang pagsunod ng ibang oil company sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Oktubre 27 nang nagtapyas ang mga kumpanya ng langis ng piso sa presyo ng kada litro ng gasolina, 40 sentimos sa diesel, at 35 sentimos sa kerosene.

Samantala, pinagdudahan naman ng mga driver at operator ng pampublikong sasakyan ang ipinatupad na bawas presyo sa petrolyo na itinaon sa pagdaraos ng sia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit sa Metro Manila ngayong linggo, na sinasabing “papogi” lang sa mga delegado at dayuhang mamumuhunan sa bansa. (Bella Gamotea)