Nobyembre 16, 1959 nang itanghal ang unang “The Sound of Music” musical-play sa Lunt-Fontanne Theatre sa New York City, United States. Nagtulung-tulong sa likod ng isa sa pinakatanyag na musical sina Richard Rodgers, para sa musika; Oscar Hammerstein II, para sa liriko; at Howard Lindsay at Russel Crouse, mga awtor.

Tampok sa musical ang kuwento ng buhay ni Maria von Trapp, gaya ng mababasa sa librong “The Story of the Trapp Family” noong 1949.

Sa kabila ng hindi kagandahang mga rebyu na nakuha noon, agad na pumatok ang musical.

Ang iba’t ibang awitin sa musical, gaya ng “Do Re Mi”, “My Favorite Things”, at “Climb Every Mountain” ay naging popular. Ang album, na ini-record isang linggo matapos ang debut ng musical at ini-release ng Columbia Records, ay nakabenta ng may tatlong milyong kopya sa mundo, at umakyat sa Billboard album charts.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Taong 1965 nang isinapelikula ang “The Sound of Music” na pinagbidahan ni Julie Andrews. Umani ng mga pagkilala mula sa Academy Awards ang pelikula nang taong iyon.