LAUR, Nueva Ecija - Nasa balag na alanganin ngayon ang isang dating alkalde ng bayang ito makaraang sampahan ng kasong malversation of public funds matapos mabigong i-liquidate ang cash advances para sa kanyang opisina noong 2006.

Nabigong i-liquidate ni dating Laur Mayor Blas Canlas ang P3,508,342.96 pondo na umano’y ginamit niya.

Batay sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, nilabag ni Canlas ang Article 217 ng Revised Penal Code sa pagiging accountable sa public funds at property makaraang matuklasan na may “misappropriating or diverting of funds” ang kanyang tanggapan noong panahon ng kanyang termino.

“This case penalizes the misappropriation or malversation of such funds through negligence or abandonment,” ani Assistant Special Prosecutor Rosanne Christelle Medez.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Handa ring tumestigo laban kay Canlas si Laur Mayor Alvaro Daus at si Municipal Accountant Marina Padilla.

(Light A. Nolasco)