Habang ilang araw na lang ang nalalabi bago idaos ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit sa bansa sa susunod na linggo, abala na si Pangulong Aquino sa paghahanda sa kanyang pakikipagpulong sa mga lider ng iba’t ibang bansa na posibleng talakayin ng maiinit na isyu na nakaaapekto sa rehiyon.

“The President has been preparing to chair the APEC as well the APEC Leaders’ Retreat,” pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa punong balitaan sa Palasyo.

“The President, being no stranger to APEC summits and how they are chaired, is also prepared to moderate such discussions,” dagdag ni Valte, nang tanungin kung paano gigitna si PNoy sa posibleng mainitang pag-uusap ng United States at China sa APEC meeting.

Ang Pilipinas ang tatayong punong-abala sa regional summit na dadaluhan ng mga lider ng US, China, Japan, Australia at iba pang bansa sa Asia Pacific sa Nobyembre 17-19.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Unang tumayong host ang Pilipinas sa APEC noong 1996.

Sesentro ang taunang pagpupulong ngayon sa kooperasyon ng mga bansa sa kalakalan at pananalapi upang mapalakas pa ang ekonomiya ng rehiyon.

Bagamat ideneklara ng Malacañang na hindi tatalakayin sa summit ang pag-aagawan ng teritoryo sa South China Sea, mayroon pa ring posibilidad na pag-usapan ito ng ilang state lider sa kani-kanilang kapasidad.

“Certainly, when it comes to the economic issues, the President is well prepared to chair and to navigate discussions between different member economies as they take place during the Leaders’ Retreat,” pahayag Valte.

(Genalyn D. Kabiling)