STO. DOMINGO, Nueva Ecija – Naging madugo ang mainitang pagtatalo ng isang mag-asawa tungkol sa madalas na paglalasing ni mister, na humantong sa pananaksak niya kay misis, sa Purok 3-A, Barangay Burgos sa bayang ito, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Feliciana Salazar y Ramos, residente ng nasabing lugar, na tinadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng asawa niyang si Gerino Salazar y Domingo.

Lasing nang gawin ang krimen, nagtangka pa umanong magpatiwakal ang suspek matapos matiyak na napatay niya ang asawa.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Ernesto Jose Baltazar, dakong 3:00 ng hapon nang magtalo ang mag-asawa dahil sa hindi maawat na paglalasing ng suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa kapitbahay na si Grace Lyn Valdez y Lagonero, 33, narinig niya ang malakas na hiyaw at paghingi ng saklolo ng biktima kaya nagpunta siya sa bahay nito at tumambad sa kanya ang duguang si Feliciana habang nakahandusay sa sahig at nakatayo malapit dito ang suspek na hawak pa ang kutsilyong ginamit sa pananaksak. (Light A. Nolasco)