Muling umapela kahapon si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta sa gobyerno na magpatupad ng mahigpit na seguridad para sa mga hukom sa bansa, sa pamamagitan ng pagbibigay ng security personnel sa mga ito.

Ito ang panukala ni Acosta nang bumisita siya sa burol ni Bulacan Regional Trial Court (RTC) Branch 84 Judge Wilfredo Nieves, na binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspek nitong Miyerkules ng hapon.

Dumating si Acosta sa Loyola Columbary sa Commonwealth Avenue sa Quezon City para magpakita ng pakikiramay sa pamilya ng nasawing hukom.

Iginiit ni Acosta na dahil sa kadalasang peligro sa buhay ng mga hukom sa mga hinahawakang kaso ay dapat lamang na mabigyan ng hindi bababa sa dalawang security escort ang bawat hukom.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinaniniwalaang isang organized crime group ang nasa likod ng pagpatay kay Nieves.

Kamakalawa ay naglaan ng P2-milyon pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikaaaresto ng mga salarin.

Abril 2012 nang hinatulan ni Nieves ng hanggang 30 taong pagkabilanggo ang carnap gang leader na si Raymond Dominguez. (Beth Camia)