When it rains, it pours.
Ang salitang ito ay tumutugma kay Pauline Del Rosario na kagagaling pa lamang sa kanyang back-to-back na panalo sa Thailand makaraang maiuwi sa bansa ang pinakamatataas na parangal sa isinagawang Thailand Amateur Open sa Pattaya at Thailand Junior Amateur Open ay nakatanggap ito ng matinding regalo nang alukin ito ng scholarship mula sa mga nangungunang unibersidad sa United States.
Sa ipinamalas nitong galing noong final round sa Thailand Juniors, naging exciting ang galaw nito makaraang bumawi mula sa apat na strokes makaraan ang front nine at tumabla at bumawi sa tenth hole.
Sa edad na 17, si Pauline ay mayroong mga nasungkit na titulo sa taon lamang na ito, kabilang rito ang walong championship sa junior at amateur competitions sa US, sa Malaysia, Singapore at dito sa ating bansa.
Sa taong ito, hindi pa tapos si Pauline ng kanyang pakikipaglaban sa dahilang may sasalihan pa siya sa Malaysia, kasama ang ICTSI team.
Si Pauline ay senior student ng De La Salle Zobel, at naging impresibo ang kanyang rekord kung kaya’t mayroon siyang mga alok na scholarship mula sa top universities sa US at ito ay isang hakbang para matupad ang kanyang pangarap na maging isang professional golfer at tanghaling pinakamagaling sa larangan sa buong mundo. (Abs-cbn Sports)