Umaabot sa P5 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang entrapment operation sa Tabaco Port sa Albay, kamakalawa.

Inihayag ni PDEA Director General Arturo Cacdac na ang ilegal na droga ay nakuha mula kay Vergel Dionela, alyas “Moy,” 35-anyos, ng Project 6, Quezon City.

Dakong 1:45 ng hapon nang magsagawa ng entrapment operation ang PDEA at Albay Provincial Office at naaresto si Dionela habang ibinebenta ang halos isang kilong shabu na nakalagay sa apat na plastic bag.

Tinatayang nasa P1-milyong halaga ng shabu ang ibinenta ng suspek sa isang poseur-buyer sa pier sa nabanggit na bayan.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Si Dionela ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165.

Tatlong araw naman bago ang pagkakahuli kay Dionela, isa pang pinaniniwalaang drug pusher, nakilalang si Cherrylyn Nabahab, 23, ang naaresto rin ng PDEA operatives sa loob ng isang hotel sa Daet, Camarines Norte kung saan nakumpiska umano sa kanya ang shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon. (Jun Fabon)