Nakatakdang lumipad ang overseas Filipino worker (OFW) na si Gloria Ortinez sa Hong Kong (HK) ngayong Sabado upang personal na makipag-usap sa kanyang employer, sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay OWWA Administrator Rebecca Calzado, sasamahan si Ortinez ni Labor and Employment Undersecretary Ciriaco Lagunzad III.

“This Saturday Usec. Lagunzad will be accompanying OFW Ortinez to HK para makausap niya directly yung employer,” aniya sa isang text message.

Ikinalugod ni Calzado ang desisyon ng Pasay City Prosecutor’s Office na ibasura ang kasong illegal possession of ammunition laban sa OFW “for lack of probable cause”.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Noong Oktubre 25, pinigil ng mga awtoridad ng paliparan si Ortinez, nakatakdang lumipad sa Hong Kong, matapos makitaan ng bala sa kanyang bagahe. (PNA)