kobeparas_ortigas_08_varcas_120615 copy

Abot-kamay na ni Filipino basketball player Kobe Paras ang kanyang pangarap matapos na opisyal itong makapasok at makapaglalaro sa collegiate basketball sa koponan ng UCLA Bruins.

Ito ang inanunsiyo ni UCLA bruins head coach Steve Alford na magugunitang nagpahayag na verbally committed na si Paras na maglalaro para sa UCLA noon pang Oktubre 2014 subalit naging opisyal lamang ito ngayong linggong ito.

Si Paras, isang stand out mula sa La Salle Greenhills ay lumipat sa US upang maglaro sa Cathedral High School,

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa pahayag sa UCLA Bruins website, nakatanggap si Alford ng napirmahan nang National Letter of Intent mula kay Paras noong Miyerkules, ang unang araw ng signing period.

“We’re always looking for players who’ve grown up immersed in basketball, and Kobe definitely fits that mold,” ang sabi ni Alford. “He just loves the game.”

“To add a talented player like Kobe to our program is terrific. He’s a very athletic guard who plays with tremendous energy. We like how he can attack off the dribble and get to the rim in the open court,” dagdag pa ng head coach.

Si Paras ay kasalukuyang naglalaro sa koponan ng Middlebrooks Academy at ilang beses na naging kinatawan ito ng Pilipinas sa maraming international competitions, kabilang na rito ang FIBA Asia Under-18 3x3 Championships.

Sa kanyang Instgram post, hindi mapigilan ni Paras ang mapahayag ng sobrang tuwa.

“Officially a Bruin. I can’t wait for the next chapters of my life…. This one is for my family back home.” (AbsCbn Sports)