Ryle copy

KAMAKAILAN lang namin sinulat na may tampo ang batang aktor na si Ryle Paolo Santiago sa kanyang amang si Ryle ‘Junjun’ Santiago, business unit head ng It’s Showtime at Deal or No Deal dahil nga tila hindi raw siya tinutulungan sa kanyang career o magkaroon ng regular show sa ABS-CBN gayong Star Magic ang nangangasiwa ng career niya.

 

Nabanggit ng batang Santiago na ang huling programa niya sa ABS-CBN ay Bagito pa (pinagbidahan ni Nash Aguas) noong 2014 at simula raw noon ay hindi na siya nabigyan uli ng programa maski na guesting man lang.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nasabi rin ni Ryle na maraming inquiries pero biglang nakakansela kaya napapaisip siya.

 

Kaya labis-labis ang pasasalamat ng bagets sa Idea First Company nina Direk Perci Intalan at Jun Robles Lana dahil kinuha siya bilang isa sa lead actors ng #ParangNormalActivity na napapanood sa TV5.

 

Maganda ang exposure ni Ryle sa TV5 kaya napamahal siya sa show.

 

Pero mabuti naman at ini-launch si Ryle bilang isa sa Hashtag Boys kasama ang PBB 737 ex-housemates na sina Zeus Collins at big winner na si Jimboy Martin at iba pang young actors ng Star Magic.

 

Napakasaya nio Ryle na napasama siya sa Hashtag Boys na may segment sa It’s Showtime dahil maipapakita na niya ang kanyang talent sa pagsayaw. (REGGEE BONOAN)