Isang barangay tanod ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harap ng kanyang maybahay ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na si Virgilio Santiago, 39, tanod ng Barangay 28, Caloocan City.

Idineklarang dead on the spot ang biktima dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan, ayon sa pulisya.

Lumitaw sa imbestigasyon na kasama ng biktima ang kanyang maybahay na si Rezaida, 39, nang lapitan sila ng dalawang lalaki sa Block 15, Pama Sawata Street sa Bgy. 28, matapos nilang pakainin ang mga alagang baboy at manok, dakong 5:30 ng umaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa mga saksi, bigla na lang bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukani si Virgilio.

Bagamat blangko ang pulisya sa posibleng motibo sa pamamaril, sinabi ng source na maaaring isang miyembro ng robbery group, na kumikilos sa kanilang komunidad, ang nasa likod ng pamamaslang sa biktima dahil aktibo ito sa kampanya laban sa kriminalidad sa kanilang barangay. (Ed Mahilum)