IMG_6138 copy

HINDI na makakaiwas si Mark Herras na pag-usapan si WynWyn Marquez dahil magkasama sila sa primetime soap ng GMA-7 na Little Nanay. 

Dati, nakakalusot si Mark sa mga reporter na gusto siyang interbyuhin tungkol sa dalaga dahil wala naman daw silang project together na ipu-promote. Ngayong magkasama na sila sa soap, wala nang lusot si Mark at maging si WynWyn na nahawa na kay Mark sa husay umiwas sa press.

The last time na nakita namin silang magkasama at biruin kung puwede silang ma-interview nang sabay, kinurot lang kami ni WynWyn at bigla namang nawala si Mark.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hindi pa namin alam ang role ni WynWyn dahil hindi pa siya nakakausap para sa Little Nanay, pero si Mark, gaganap na kuya ni Kris Bernal at apo nina Nora Aunor at Bembol Rocco. Masarap daw makatrabaho sina Guy at Bembol dahil tinutulungan silang mga bata sa kanilang mga eksena.

“Kapag nagde-deliver ako ng dialogue, nakikinig si Ate Guy at ‘pag may narinig siyang mali, kinokorek niya ako.

Hindi ako kinakabahan at napi-pressure, mas ginagalingan ko ang pagde-deliver ko ng lines para hindi ako mag-buckle dahil nakakahiya. Si Kuya Bembol naman, tinutulungan ako sa mga eksena ko. Ang sarap nilang katrabaho,” wika ni Mark.

Sa November 16 na ang pilot ng Little Nanay sa direction ni Ricky Davao. Powerhouse cast ito, kaya masuwerte si Kris dahil mahuhusay ang mga kasama niya at aminado siya na marami siyang natututuhan sa kanila. (NITZ MIRALLES)