BOGOTA (Reuters) — Nasabat ng Colombian police ang 575 kilong cocaine na patungong Chile sakay ng dalawang bus na nagdadala ng Colombia fans sa isang World Cup qualifying soccer match sa Santiago.

Nadiskubre ito ng mga pulis nitong weekend sa Pasto malapit sa hangganan ng Colombia sa Ecuador sa katimogan at halos 400 km mula sa Cali kung saan nagsimula ang mahigit 4,000 km biyahe ng bus patawid ng Ecuador at Peru patungong Chile.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo