Pinahiya ng Minnesota Timberwolves sa pangunguna ni Andrew Wiggins ang Chicago Bulls makaraang nilang talunin sa mismong homecourt sa iskor na 102-93, noong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas).
Si Wiggins ay nakagawa ng 31-puntos, si Karl-Anthony Towns ay nagdagdag ng 17-puntos, 13 rebounds at apat na blocked shots para sa Minnesota, na dalawang beses na talunan. Samantala, ang kakampi naman nilang si Nemanja Bjelica ay nakaiskor ng 17-puntos.
Nalagpasan ng Timberwolves ang Bulls, 9-0 sa extra session, na kauna-unahan sa kasaysayan ng NBA na matalo ang Chicago sa overtime period.
‘’We just had to fight - we wanted it,’’ ang naging pahayag ni Wiggins. ‘’We were hungry for this game. ‘’When we went to overtime, we stayed aggressive.’’
Ang ginawang layup ni Towns na naka-ungos sa iskor na 98-93 at may natitirang 2:32 oras sa overtime, at ang ginawang layup ng No.1 overall draft pick set up na si Tayshaun Prince sa natitirang 30 segundo samantalang nakadagdag pa ang dalawang free throws ni Bjelica para sa final margin, upang matalo ang Bulls.
Si Pau Gasol ay nakakuha ng 21-puntos at 14 rebounds para sa Chicago at si Tony Shell naman ay mayroong 14-puntos.
Ang naipasok na bola ng Bulls na 35.5 percent (33 for 93) ay na-outrebounded 58-50 ng Timberwolves. Hindi na-shoot ng Chicago ang lahat ng siyam na bola sa ring sa overtime period.
‘’I don’t know how we play with as much energy as we did (against Oklahoma City) and then just show up the next (game) just expecting to win the game,’’ ang pag-amin naman ni Bulls coach na si Fred Hoiberg na sinang-ayunan naman ni Bulls guard Derrick Rose.
Si Wiggins ay nakakalap ng 22-puntos upang makakuha ang Timberwolves ng 58-57 sa halftime lead. (Abs Cbn Sports)