Pinatulog ni WBO featherweight champion Vasyl Lomachenko ng Ukraine si Mexican challenger Romulo Koasicha sa 10th round para mapanatili ang titulo at magkaroon ng pagkakataong makalaban si four-division world titlist Nonito Donaire Jr., ng Pilipinas.

Nakaiskor si Lomachenko (5-1, 3 Kos) sa 10th round KO kay Koasicha (25-5, 15 Kos) at matagumpay nitong naidepensa ang kanyang titulo sa HBO-televised opener noong Sabado ng gabi at Thomas and Mack Center sa Las, Vegas (Nevada), ayon ito sa ulat ng Fightnews.com

Si Lomachencko, na dalawang beses ng nasungkit ang Olympic gold, ay nagpakita ng kakaibang skill sa kabuuan ng laban nito na naging dahilan ng pagkaka-knockedout ng kalaban.

Ikinatuwa ni Top Rank big boss Bob Arum ang kumbinsidong panalo ni Lomachenko dahil gusto niyang ikasa ito kay Donaire kapag nanalo ang Pinoy boxer kay Cesar Juarez ng Mexico sa Disyembre 9 sa Puerto Rico para sa bakanteng WBO super bantamweight title.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naunang sinabi ni Donaire na gusto niyang makaharap si Lomachenko kahit magbalik pa siya sa featherweight division kung saan naging kampeon siya ng WBA.

“I would love to fight him, Lomachenko is a really good fighter and a really good test for me to see where I’m at.

There’s talk they want to come down (to junior featherweight), but if not, we’ll go back up to featherweight,” sabi ni Donaire sa ESPN.com. (Gilbert Espeña)