Bumagsak na sa kamay ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang banyaga na itinuturong may-ari ng isang condominium unit sa Parañaque City, na roon nadiskubre ng awtoridad ang 27 kilo ng shabu at 24 na kilo ng ephedrine noong 2014.

Ayon kay Chief Insp. Roque Merdegia, tagapagsalita ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF), naaresto sina Marvin Tan Yap, alyas “Mr. Tiu”; at Jacky Sia Huang, sa magkahiwalay na operasyon sa Makati at Taguig.

Si Yap, na itinuturong may-ari ng isang unit sa eksklusibong Sentosia Condo sa Parañaque, na roon nasamsam ang kilu-kilo ng shabu noong Pebrero 12, 2014, ay pinosasan ng mga tauhan ng AIDSOTF sa isang parking lot sa Taguig City.

Naaresto si Yap sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Parañaque Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng nasamsam na droga.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Samantala, sinabi ni Merdegia na naaresto si Huang sa Makati City. (Aaron Recuenco)