Patay ang isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang sumalpok sa center island ng Quezon Bridge sa Maynila ang sinasakyan niyang motorsiklo, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Pio Bolito, miyembro ng Security Clearing and Operations Group ng MMDA, at residente ng Novaliches.

Batay sa ulat ng Manila Traffic Bureau, minamaneho ni Bolito ang kanyang pulang motorsiklo (NA-79265) pasado 6:00 ng umaga nang pagsapit sa naturang tulay ay mawalan ito ng kontrol at sumalpok sa center island.

Dead on the spot ang biktima dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Patungo umano si Bolito sa selebrasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng MMDA sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, Manila, nang mangyari ang aksidente. (Mary Ann Santiago)