NORA AT VILMA copy

INAASAHANG magkakabanggaan muli ang Vilmanians ni Vilma Santos at Noranians ni Nora Aunor, ang dalawang grupo ng mga tagahanga na ilang dekada nang magkakalaban.

Ito ay magaganap sa Sabado, November 14, sa invitational gala premiere ng restored version ng pelikulang Ikaw Ay Akin na pinagbibidahan ng Star for All Seasons at ng Superstar kasama si Christopher de Leon.

Ayon sa nakausap naming isa sa mga namamahala ng ABS-CBN Film Restoration department, pareho raw nilang inimbita ang dalawang grupo para suportahan ang kani-kanilang idolo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa pagkakaalam ng kausap namin ay darating sa event ang dalawang de-kalibreng aktres kasama ang iba pa sa cast ng restored movie na sinasabing best movie ever na magkasama sina Ate Vi at Ate Guy.

Ayon naman sa aming kaibigang si Jojo Lim, over-all president ng VSSI, sinisigurado niyang in full force na darating ang Vilmanians makadalo man o hindi ang gobernadora ng Batangas.

“She told me na hindi pa siya sure kasi maraming meeting ang Liberal Party kung saan siya ang chairman ng partido sa Batangas. In fact, today, eh, ando’n siya with Sec. Mar Roxas sa Malarayat, Lipa.

‘Tapos next week naman punta siya sa Boracay, para naman maging ninang sa apo ni Mother Lily (Monteverde), then aayusin pa rin niya ang sked niya para naman sa shooting ng movie niyang All of My Life ‘tapos may meeting pa rin siya sa Bear Brand,” paliwanag ni Jojo Lim.

Nakahanda na ba ang grupo nila sa anumang maaaring patutsada na naman ng Noranians?

“Always, behave naman ang Vilmanians, kagaya no’ng ipinalabas din ‘yung T-bird at Ako. Hindi namin sila pinatulan.

Kokonti lang ang dumating sa kanila samantalang kami halos ang pumuno ng theater,” sey pa ni Jojo.

Samantala, kung busy si Ate Vi sa kanyang political career at sa All of My Life movie, nagbabalik-telebisyon naman si Nora Aunor via My Little Nanay sa GMA Network. (JIMI ESCALA)