Bullet Planter_screengrab-from-Google-Play copy copy

Sa gitna ng lumalaking kontrobersiya ng “tanim bala” scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), isang Pinoy game developer ang lumikha ng isang mobile game application na hango sa nasabing airport scam.

Maaari nang ma-download ng mga Android user ang “Bullet Planter”, na available na sa Google Play.

Para makapuntos, kailangang galawin ng mga player ang cursor nang pakaliwa o pakanan upang maiiwas ang bitbit na bagahe sa mga bala na ibinabagsak ng airport security officials.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

“These greedy administrators want to plant a bullet in your bag and if they succeed, you’ll end up paying $1,000. Of course you would not let them do that!” saad sa description ng laro.

Kung walang natutuwa sa hindi masawata na umano’y extortion scheme sa NAIA, na pinupuna na maging sa ibang bansa, tiyak namang maaaliw ang mga manlalaro dahil napakadali lang laruin ng Bullet Planter.

Ang game ay dinebelop ng Kulit Games.

Samantala, galit na binatikos kamakailan ng Fox Network news anchor na si Greta Van Susteren ang mga airport security personnel na sinasabing sangkot sa naturang modus para makapangikil sa mga pasahero, ayon sa media reports.

“This scam is all part of a plot to extort money out of the international traveler,” iniulat na sinabi ni Susteren sa segment na “Off The Record”.

Nakasaad sa ulat ng media na sinabi ni Susteren na isang kaibigan niya na Filipino-American ang nagkuwento sa kanya na may 30 pasahero sa NAIA ang nabiktima ng “Filipino airport security officials” sa nakalipas na isang taon.

Isang dating abogado, si Susteren ay pumuwesto sa ika-99 sa 2015 World’s 100 Most Powerful Woman ng Forbes magazine.

(JET NAVARRO-HITOSIS)