MISMONG si Atty. Felipe Gozon, chairman at CEO ng GMA Network, ang nag-announce sa 24 Oras ng upcoming projects nila for 2016. Isa sa TV series na gagawin nila sa 2016 ang remake ng Encantadia.

Tiyak na ikinatuwa ito ng televiewers at fans na matagal nang nagri-request sa GMA-7 na gumawa ng remake ng unang Filipino fantasy o telefantasya na napanood noong 2005 at ginampanan nina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Karylle at Iza Calzado. Ito ang nagpabalik noon sa televiewers ng GMA Network.

Ang Encantadia, Pag-ibig Hanggang Wakas ay nasundan pa ng Encantadia, The Second Saga.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Nakakatuwa na ang fans ay may mga gusto nang Kapuso young stars ngayon para gumanap sa roles nina Pirena, Amihan, Alena at Danaya.

Sagot ng taga-GMA Network na tinanong namin kung may cast na ba sila sa remake ng Encantadia at kung kailan ito sisimulan, wala pa silang casting dahil nasa exploratory phase pa lamang sila.

Ang planong simula ng production ay sa June or July 2016. Magiging abala raw kasi ang network sa coming 2016 elections sa May. (NORA CALDERON)