“Hindi ho pwedeng magtaas ng tariff nang wala hong approval via treaty or by Congress”.

Ito ang iginiit ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa harap ng napaulat na umano’y paniningil ng dagdag na 125 porsiyentong buwis ng Bureau of Customs (BoC) sa mga container ng balikbayan box.

Ayon kay Valte, pinabeberipika ng Malacañang kung ipinatutupad na ng BoC ang naturang kautusan nang walang kaukulang basbas mula sa Kongreso.

“Ang alam ko po ay napag-usapan ito sa hearing noong isang araw sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at sa kasalukuyan ay pinapaberipika pa po ang impormasyon kasi ang nakalagay sa report ay nagtaas na” ani Valte. “Hindi naman po puwedeng mangyari yon kung hindi po sumang-ayon ang Kongreso.”

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Sinabi ni Valte na hinihintay pa ng Palasyo ang report mula sa Department of Finance (DoF) kaugnay dito.

(Evelyn Quiroz)