110615_eus3 copy

Pilit na susungkitin ng Cignal ang ikalawang silya sa semifinals kontra RC Cola-Air Force sa 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament ngayong hapon na gaganapin sa Malolos Convention Center.

Una munang magsasagupa ang Philips Gold kontra sa Meralco sa ganap na 1:00 ng hapon bago sundan ganap na 3:00 ng hapon sa pagitan ng Cignal at RC Cola Air Force sa torneo na suportado ng Asics kasama ang Milo at Mueller, Senoh at Mikasa bilang technical partner.

Ito ang unang “Spike on Tour” ng liga ngayong komperensiya matapos na unang magsagawa ng laban sa Cebu City, Ilocos Sur, Muntinlupa City, Binan City, Imus at Quezon Province.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“This is part of our mission of bringing world-class volleyball action closer to the fans,” sabi ni PSL president Ramon “Tats” Suzara, kung saan inihayag na ang susunod na Spike on Tour ay isasagawa sa Lipa

City sa Batangas. “Rest assured that we will continue to hold our Spike on Tour program and live up to our goal of inspiring fans, especially aspiring players from the provinces, to reach their dreams through volleyball.”

Dahil sa kabiguan ay nahulog ang Cignal sa ikalawang silya sa 5-2 panalo-talong kartada habang agad na sinungkit ng defending Petron ang unang silya sa semifinal seat sa pinakamagandang kartada na 6-2 panalo-talo matapos nitong itala ang straight-set na panalo sa Meralco noong Huwebes, 27-25, 25-20 at 25-21.

Nasa likuran nito ang Foton na may 4-2 kartada para sa 14- puntos kasunod ang Philips Gold na may kabuuang marka na 4-2 panalo-talo para sa 10- puntos.

Ipinaliwanag ni Acaylar na ang mga imports na sina Ariel Usher at Amanda Anderson ay nakapagpahinga nang husto sa kanilang mahabang break pati ang mga homegrown na sina Cherry Mae Vivas, Michelle Laborte, Fritz Gallenero at setter na si April Ross Hingpit, na patuloy na nagpapakita ng husay sa playmaking.

Sasandigan ng Raiders ang mga imports na sina Puerto Rican Lynda Morales at American Sara McClinton na siyang tanging bumibitbit sa koponan na patuloy na nangangapa sa kanilang depensa at opensa na dahilan sa limang sunod nitong nalasap na kabiguan.

“We need a win very badly,” sabi ni RC Cola-Air Force coach Rhovyl Verayo, na aminado na hindi pa nakakabawi ang kanyang koponan matapos na sumailalim sa siyam na buwang military training ngayong taon. “We are blessed with two good imports so we also have to work hard and do our part. So far, our defense has been our major problem. We must do something about it to arrest our skid.” (ANGIE OREDO)