Mula sa pagkakakulong sa Camp Karingal sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi, ay pinalaya na si Ateneo Cameroonian center Chibueze Ikeh.

Si Ikeh ay inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa labas mismo ng kanilang dug-out sa Araneta Coliseum, matapos ang laban ng koponan sa University of the Philippines (UP) sa ginaganap na UAAP Season 78 men’s basketball tournament dahil sa reklamo ng kanyang nobya sa kanyang paglabag sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act noong nakalipas na taon.

Si Ikeh ay pinalaya rin ng pulisya makaraang maglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P24,000.

Tiniyak naman ni Ateneo Athletic Director Em Fernandez na maglalaro pa rin si Ikeh sa kabila ng kaso sa dahilang personal na usapin ang kinakaharap nito at walang kaugnayan ang paglalaro sa kaso. (Marivic Awitan)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!