Ryan Christian copy

TUWANG-TUWA si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa mga nababasa niyang komento para sa anak niyang si Ryan Christian-Recto. 

Si Ryan ang naging representative ng amang si Sen. Ralph Recto sa proclamation ng magic twelve ng partido ni Sen. Grace Poe. 

May nagkomento pa na pang-matinee idol daw ang anak ni Ate Vi at kung sakaling pasukin daw ni Ryan ang showbiz ay tiyak na malayung-malayo agad ang mararating nito.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Pero para kay Ate Vi, kailangang matapos muna ni Ryan ang kursong kinukuha at kagaya raw ni Luis Manzano ay more than willing naman silang suportahan ang anak after makapag-uwi ng diploma. 

Nang tanungin kung pag-aartista o pulitika ang nais nila para kay Ryan, wala raw sa kanila ang desisyon kundi sa anak daw. Hahayaan nilang pumili si Ryan sa gusto niyang tahakin.

May mga nagsasabi kasi na ang dating ni Ryan Christian ay hindi lang pang-matinee idol kundi panggobernador din. Puwede rin namang pasukin ni Ryan ang showbiz at saka na lang niya ang pulitika after. 

“Na’ kay Ryan na ‘yan,” maikling tugon ng future congresswoman ng Lipa City. 

Samantala, sa kaarawan ni Ate Vi na ginanap sa Kapitolyo ng Batangas ay dumating halos lahat ng malalapit na kaalyado sa isang misa at sa isang presentasyon na handog ng kanyang mga empleyado sa kapitolyo. 

Nagpasalamat naman si Gov. Vi sa lahat ng supporters at empleyado ng kapitolyo at inaasahan daw niya na kung sinuman ang hahalili sa kanya bilang gobernador ng probinsiya ay susuportahan pa rin daw ng mga ito, bongga! (Jimi Escala)