Humiling ang Palasyo sa publiko ng karagdagang pasensiya sa gagawing pagsasara ng ilang pangunahing lansangan at pagpapatupad ng no-fly zone sa Metro Manila, sa pagdagsa sa bansa ng mga leader ng iba’t ibang bansa para sa Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit sa Nobyembre 16-20.

Tiniyak din ng Malacañang na plantsado na ang traffic re-routing scheme sa Metro Manila sa Nobyembre 16-20 bilang bahagi ng seguridad na ilalatag ng gobyerno sa APEC meeting.

“Humihiling po kami ng pang-unawa sa publiko. Kailangan pong ipatupad ang mga ito upang matiyak ang seguridad ng ating mga bisita sa APEC, at upang maiwasan ang traffic sa mga rutang kanilang daraanan,” pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Sinabi ni Lacierda na magtatatag ng mga special APEC lane sa EDSA at Roxas Boulevard.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa EDSA, tanging ang mga APEC vehicle ang papayagang dumaan sa dalawang innermost lane—northbound at southbound.

Ang ibang lane ay mananatiling bukas sa ibang sasakyan.

“For Roxas Boulevard, only APEC vehicles will be allowed on the southbound side, while the entire northbound side—which will be made two-way—will remain open for non-APEC vehicles,” ayon sa opisyal.

Isasara rin sa motorista ang mga kalsada sa paligid ng CCP Complex at Mall of Asia Arena bilang bahagi ng seguridad.

“In addition, from November 16 to 20, there will be a daytime truck ban along the South Truck Route. Trucks will only be allowed to use the route from 10 pm to 6 am. Roxas Boulevard, however, will remain under a 24-hour truck ban,” dagdag niya.

Dapat din aniyang paghandaan ng mga biyahero ang paghihigpit ng seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Nobyembre 17, 19 at 20.

Ang Maynila ang tatayong punong abala sa APEC leaders’ summit sa Nobyembre 18 at 19, na idineklara ng Malacañang bilang special non-working holiday. (GENALYN KABILING)