Juday at Jolina copy

SA nakaraang press launch sa magpapamilyang Jolina Magdangal, Mark Escueta at Pele bilang endorsers ng Super Twins Premium Diaper Pele, iniiwasan ng una na magbigay ng anumang komento tungkol kay Claudine Barretto. 

Kahit na ano pang tanong sa kanya tungkol kay Claudine ay umiiling na lang si Jolens maging nang tanungin kung handa na ba siyang makatrabaho ang aktres.

“Ayoko nang mag-comment kasi tapos na. Di na talaga ako magsasalita. Basta happy ako for her,” sey ni Jolina. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero kung tungkol sa kanila ni Claudine ay umiiwas si Jolina, very open naman ang aktres na pag-usapan ang pagiging magkapareho nila ni Judy Ann Santos na very maalaga sa mga anak nila. 

“Kasi na-miss ko na siya. Nu’ng time na magkita kami, ang tagal naming hindi nagkita, parang taon na yata, kaya nu’ng magkita, kami, sobra naming na-miss ang isa’t isa. Kelan lang nu’ng magkasama kami, eh, nagtsikahan kami tungkol sa lahat ng bagay, hindi lang sa mga anak namin,” banggit pa rin ni Jolina.

Pakiramdam ni Jolina, kulang pa ‘yung ilang oras na tsikahan nila ni Juday. Kumbaga, kailangan pa rin daw niyang gumawa ng effort para magkita at magkausap ulit sila ni Juday.

Pero kahit madalang silang magkita, best friends pa rin ang turingan nila ni Juday.

         

“Kasi ang best friend, para sa akin, hindi kailangan lagi mong kasama, eh. Ang best friend para sa akin ‘yung kahit hindi mo kasama pero any time na kailangan mo ng kausap o magkita kayo, may reconnection na nangyayari,” seryosong lahad ng aktres. (Jimi Escala)