TARLAC CITY - Tatlong umano’y kilabot na carnapper na tumangay sa isang tricycle sa Barangay San Roque, Tarlac City, ang iniulat na napatay matapos makipagsagupaan sa mga pulis sa Sitio Pag-asa, Barangay Tibag, ng nasabing lunsod.

Sa ulat ni PO3 Benedick Soluta kay Tarlac City Police chief, Supt. Felix Verbo, Jr., ang mga napatay sa engkuwentro ay sina Eric Galdonez, 32, binata, ng Bgy. Tambogan; Dominick Sicalbo, 32, tricycle driver, ng Bgy. Marawi; at Eugene Gamboa, 25, ng Bgy. Poblacion A, Camiling, Tarlac.

Nauna rito, nakatanggap ng report si Verbo na kinarnap sa bakanteng lote ng Bgy. San Roque ang tricycle ni Sonny Medrano, 43, ng Bgy. Serra, La Paz, Tarlac.

Matapos ipaalam sa awtoridad, namataan ang kinarnap na tricycle sa kalsada ng Sitio Pag-asa, at nang lalapitan ito ng mga pulis ay pinaputukan umano sila ng tatlong suspek na nauwi sa sagupaan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog