Isang mag-ama ang namatay sa drug operation makaraang manlaban ang mga ito sa mga tauhan ng T’boli Municipal Police at Regional Police Safety Battalion (RPSB) sa T’boli, South Cotabato.

Sa naturang bakbakan, dalawang pulis ang nasugatan at tatlo pang kasamahan ng mag-ama ang nasakote ng pulisya.

Kinilala kahapon ni Chief Insp. Jose Marie Simangan, hepe ng T’boli Police, ang mga napatay na suspek na sina Nelson Sollera Sr.; at Jethro Sollera, kapwa ng ng Purok Blancia, Barangay Poblacion, T’boli.

Arestado naman sina Nelson “Bobong” Sollera, Jr.; Neri Tuan Sollera; at Melchor Fiel.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nasamsam din ng pulisya ang 24 na maliliit na sachet at tatlong medium-sized sachet ng hinihinalang shabu, tatlong granada, dalawang shotgun, magazine, mga bala, iba’t ibang drug paraphernalia, at P1,843 cash.

Ginagamot naman sa General Santos Hospital ang dalawang nasugatang pulis na sina PO1 Chrysler Jimenez, 29, ng RPSB-4th Manuever Company sa Surallah; at PO2 Leodegario Turbolento, ng T’boli Police. (Fer Taboy)