CAMP DANGWA, Benguet – Isang lalaki ang binaril at napatay ng nakatatanda niyang kapatid sa harap ng kanilang ama matapos silang magtalo habang nag-iinuman noong Undas sa La Paz, Abra, iniulat ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera.

Sinabi ni Supt. Cherrie Fajardo, regional public information officer, na kusang sumuko sa pulisya si Marlon Gandeza, 40, ng Barangay Poblacion, La Paz, matapos nitong barilin at mapatay ang nakababatang kapatid na si Rommel Gandeza, 38, dakong 9:30 ng gabi nitong Nobyembre 1 sa harap ng kanilang bahay.

Ayon sa report, dakong 7:00 ng gabi, kainuman ng biktima ang amang si Romeo Gandeza, kasama sina Jelvin Gandeza, Douglas Salimbay, at isang alyas Richard, sa harap ng kanilang bahay sa Bgy. Poblacion, La Paz, Abra nang dumating ang suspek.

Nakisali sa inuman si Marlon hanggang sa magtalo sila ni Rommel, na agad namang sinaway ng kanilang ama at isa pang kapatid.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Umuwi ang biktima, ngunit makalipas ang ilang minuto ay nagbalik bitbit ang isang bolo at hinamon ang suspek, na kumuha naman ng isang 12-gauge shotgun at binaril ang kapatid sa kaliwang mata, na agad nitong ikinamatay.

(Rizaldy Comanda)