Apat na bala ng baril ang itinanim sa bungo ng isang istambay matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Michael Vincent Nobleza, 35, alyas “Popoy”, ng No. 41 Pangako Street, Barangay 151, Bagong Barrio, dahil sa tama ng apat na bala ng .9mm sa iba’t ibang bahagi ng ulo.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek matapos ang insidente.

Ayon sa report, dakong 4:26 ng umaga at naglalakad sa Milagrosa Extension corner Progreso Street sa Bagong Barrio si Nobleza kasama ang dalawang suspek nang biglang binaril ng isa sa mga salarin ang biktima.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

May hinala ang pulisya na posibleng ilegal na droga ang pinag-awayan ng biktima at mga suspek.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Caloocan Police kung may CCTV sa pinangyarihan ng krimen para makilala ang mga salarin. (ORLY BARCALA)