KANYA-KANYANG panahon lang ang kasikatan. Naabot na rin naman ni Vice Ganda ang rurok ng tagumpay. Aminin man o hindi ng mga umaalipustang kalaban ng TV host ay kagulat-gulat din naman ang naabot na popularidad ng komedyante.

“Mula sa pagiging stand-up comedian sa Laffline, Punchline at iba pang comedy bars, naging “word of mouth” ang pangalang Vice Ganda hindi lang sa telebisyon kundi pati na rin sa pelikula.

Makailang beses nang tinanghal bilang phenomenal box office star ang tinatawag ng iba riyan na “idiot” daw, huh!” may hugot na sabi sa amin ng isang kaibigan na nagmalasakit kay Vice Ganda.

Hindi lang daw naramdaman ng televiewers ang nararamdaman ngayon ng kaibigan niya, pero silang malalapit sa komedyante ang naapektuhan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Hindi nila siguro alam kung ano ang salitang ‘idiot’. Kumbaga, si Vice tawagin nilang ganu’n? Hindi ganyan ang kaibigan namin. Malaki lang ang galit nila sa kanya at gusto lang nilang gumanti. Matalino si Vice at mabilis ang utak at kayang-kaya niyang sumagot sa mga tanong sa kanya at kahit anong topic pa ang pag-uusapan ay kaya niyang i-discuss, sila ba kaya nila ‘yan?” sabi pa ng tagapagtanggol ni Vice.

Banggit pa ng kausap namin, dapat nga raw paparihan si Vice nang ipahayag ng komedyante on air na tanggap na nilang mas namamayagpag ang kalaban kaysa programa nila. After all, ang mas nakikinabang naman daw talaga sa kumpetisyon ng dalawang noontime shows ay ang mga manonood.

“Kaya nga, panawagan ni Vice lalung-lalo na sa mga netizens na kung anu-anong mga negative comments ang binanggit na kung sila raw sa Its Showtime, eh, tanggap na nila ang katotohanan na pinataob sila ng AlDub mania, ’yun din dapat ang maging attitude nila,” sey pa ng kausap namin.

Pero nilinaw niya na kahit natalo ay hindi sila titigil sa pagbibigay saya sa It’s Showtime viewers.

“Well, tuloy pa rin naman sila ni Vice at tuloy pa rin ang It’s Showtime,” banggit pa ng kausap namin.

(JIMI ESCALA)