INUSISA namin si Kiray Celis kung may lovelife na siya.
“Meron ngayong dumarating, bet ni Mama, pero chill lang ako, non-showbiz, student pa lang ng culinary pero mayaman naman at sinu-sure kong mayaman bago pumasok sa buhay ko, ha-ha-ha!”
Pero bigla siyang nagseryoso na hindi siya puwedeng magkaroon ng karelasyon dahil priority niya ang pamilya niya.
Breadwinner kasi siya at sinusuportahan niya ang mga anak ng kapatid niya.
“Sobrang love ko ang mga pamangkin ko, adik ko sa kanila, dati ‘pag nasa mall ako, iniisip ko kung ano’ng damit na bagay sa akin, ngayon para akong may anak, like ‘pag may nakikita akong maliliit na sapatos, bagay na sa kanila,” kuwento ng aktres.
Bakit hindi ba nagtatrabaho ang kapatid niya para makatulong din sa kanya?
“Eh, wala, eh. Not so brainy, you know,” nagbibirong sabi ng aktres.
At paano kung madagdagan ang pamangkin niya?
“Naku, tumigil sila, ipapatanggal ko ‘yun, chos,” biro uli ni Kiray. “Actually, gustong magtrabaho ng kuya ko, ‘kaso mas malaki pa ‘yung ibinibigay naming pang-araw-araw na pamasahe niya kumpara sa kita niya. Wala namang naibibigay na suweldo kaya sabi ni Mama, dito ka na lang sa bahay.”
Makakapag-asawa pa siya sa rami ng responsibilidad niya?
“Oo naman, sa landi kong ito, chos!” biro uli ng komedyana. “Mas malakas ang paninindigan ko na mahal ko ang pamilya ko kaysa sa boys.”
Nag-aaral pa ba siya?
“Nag-aaral ako, home study ako, pero nu’ng nag-Ondoy ‘yung mga test papers ko nawala, ‘tapos parang hindi sila naniniwala, kaya sabay kong kinukuha ang first year at second year, na-submit ko na ‘yun ibang test papers, pero ‘yung modules wala.
“High school pa lang ako, ganun ka-late kasi tin-try ko mag-every day school, boring kasi ang home study, pero hindi ko talaga kaya lalo na ‘pag ang dami kong raket. Hindi naman ako nawawalan, ngayong month na ito sobrang lala talaga, kaya kulang na kulang ako sa tulog,” kuwento ni Kiray.
Hindi siya nagrereklamo sa sunud-sunod niyang raket dahil blessings ito at kailangan nga niya dahil siya lang ang inaasahan ng pamilya niya.
Nakakatawa nga, Bossing DMB, kasi ang mga kasama ni Kiray na young actors sa #ParangNormalActivity na sina Ryle Paolo Santiago, Shaun Salvador at Andrei ay sa bangko dumidiretso ang kinikita.
Kaya ang dialogue ni Kiray kay Shaun nang marinig niyang hawak ng binatilyo ang kinikita nito at wala siyang ibang pinagkakagastusan: “Parang unfair, di ba? Gusto mo (Shaun), palit tayo ng pamilya? Hindi ba puwedeng palit tayo?” nagbibirong sabi ni Kiray na ikinatawa rin ng tahimik na batang aktor.
Hirit pa ng komedyana, “Di ba, Tita Reggee, unfair talaga ang buhay? Baka puwede.” (REGGEE BONOAN)