Maja copy

DIBDIBAN na ang paghahanda ni Maja Salvador para sa kanyang Majasty concert sa November 13 sa Mall of Asia Arena.

Kuwento ni Maja sa presscon ng kanyang concert, si Mr. M (Johnny Manahan, Star Magic head) daw ang aligaga sa pag-aasikaso sa mga production number at sa gagamiting props sa kanyang show.

“Sobrang nakakatuwa, dahil si Mr. M, sobrang grabe ‘yung time, yung effort na ibinibigay dito sa concert na ‘to. Parang lahat ng numbers, talagang pinag-iisipan. Talagang parang isang buong araw, nagmi-meeting kami kung paano po ‘yung gagawin namin sa prod ko na ganito, sa prod ko with ganyan. Kasi gusto namin kakaiba talaga,” bungad ni Maja.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang kanyang idolo sa mga foreign singers ay sina Jennifer Lopez, Beyoncé, Britney Spears at Christina Aguilera, na mga inspirasyon kung bakit niya gustong mag-perform.

“Hindi ko naman po maitatago na sobrang fan ako ni JLo (Jennifer Lopez) at saka ni Beyoncé. Sina Britney Spears, Christina Aguilera. Pero kasi noong nag-meeting po kami, sabi ni Mr. M, ‘Sa concert mo na ‘to, ayaw kong makita ka nila na parang si JLo, si Beyoncé. Gusto kong makita ka nila as Maja. Ipakita natin kung sino si Maja, kung anong kayang ibigay ni Maja’.”

Tiyak na aabangan ng male audience ang pagpapaseksi ni Maja sa gabi ng kanyang concert.

“Parang hindi naman po mawawala yata ‘yun. Hindi naman sweet din kasi po ‘yung image ko, ‘di ba?”

“’Pag performer ka, siyempre wala ka dapat arte. Kung ano ‘yung kailangan mong isuot. As long as comfortable ka naman.”

Ibinida ni Maja na mayroon siyang 18 to 20 production numbers, kaya ngayon pa lang ay todo-rehearse na ang singer-actress.

“Ngayon po, nakikita n’yo naman, medyo nag-gain ako (ng weight), pero diet na po ako ngayon. At saka halos every day, nagre-rehearsal na po ako for the concert, kasi kailangan nakakondisyon talaga ‘yung katawan mo, dahil ilan ba ‘yung ipe-perform ko…18?”

Rated-PG o para sa lahat daw ang kanyang show. Pampamilya, kumbaga.

“’Yung mga songs ko po, ‘yung mga pinili namin ni Mr. M, ‘yun talagang siguradong makaka-relate ang mommies, makaka-relate ang mga teenagers, makaka-relate ang mga kids,” pahayag ni Maja.