NCAA Letran vs San Beda_01_SARMIENTO_191015 copy copy

Mga laro ngayon

MOA Arena

2 pm Arellano vs. San Beda (jrs)

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

4 pm Letran vs. San Beda (srs)

Letran aagawin ang trono sa San Beda.

Tatangkaing wakasan ng Letran ang limang taong paghahari ng San Beda College sa muli nilang pagtutuos ngayong hapon sa Game Two ng best of 3 titular showdown sa ginaganap na NCAA Season 91 men’s basketball tournament sa MOA Arena, Pasay, City.

Bukod sa tangkang pagpigil sa target ng Red Lions na 6-peat, sisikapin din ng Knights na tapusin na ang kanilang sampung taong title drought.

“We know it’s going to be tough and it’s going to be a dogfight. We just have to be tougher and grab this opportunity because not all players are given this opportunity,” pahayag ni Letran coach Aldin Ayo.

Muli, sasandig ang rookie coach sa kanyang mga beteranong sina McJour Luib na nakapagtala ng pinakamagandang performance ngayong season, Kevin Racal na nagposte ng game high 28 puntos noong Game One at ang old reliable playmaker na si Mark Cruz at Rey Nambatac.

Sa kabilang dako, magkukumahog naman ang Red Lions na makabawi upang buhayin ang tsansa nilang mapanatili ang korona at maitala ang record na 6- peat.

“We just need to play smarter because there were a couple of plays that we didn’t play smart, it cause us the lead, a chance to get back,” pahayag naman ni Red Lions coach Jamike Jarin.

Inaasahang mangunguna sa pagbawi ng San Beda sina Ola Adeogun, pro bound Baser Amer at Art de la Cruz, Ryusei Koga at Michole Sorella.

Kapag nagkataon, ang Knights ang magiging ikalawang koponan na magkakampeon na may pure homegrown sa era ng mga foreign player kasunod ng San Sebastian College noong 2009. (MARIVIC AWITAN)