Tiniyak ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na maipapasa ang Balikbayan Box Law (BBL) na magtataas sa P150,000 sa tax-exempt value sa laman ng mga pasalubong cargo na ipinadadala ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Aniya, ang BBL ay bahagi ng panukalang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na isinusulong ni Senator Sonny Angara.

Agosto nang ikasa ni Recto ang BBL sa kainitan ng usapin sa desisyon ng Bureau of Customs (BoC) na buksan ang mga balikbayan box at patawan ng buwis ang aabot sa P10,000 ang halaga ng laman ng kahon.

Aniya, hindi dapat na humigit sa P150,000 ang laman ng isang balikbayan box at magagamit ito nang tatlong beses sa isang taon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“This means that an OFW can send two boxes at the same time provided that their total worth is not more than P150,000. That will be counted as one shipment,” paliwanag ni Recto.

Nilinaw din ni Recto na dapat na ang laman ng mga balikbayan box ay personal at gamit pambahay lang para naman maiwasan ang pag-abuso sa prebilehiyo. (LEONEL ABASOLA)