Sinalakay ng Bureau of Customs-Enforcement Group (BoC-EG), sa bisa ng seizure order, ang libu-libong pakete ng mga pekeng sigarilyo na Marlboro sa Sta. Cruz, Manila.

Ginawa ang raid matapos makatanggap ang BoC-EG ng impormasyon na ipinupuslit ang mga pekeng sigarilyo sa bansa.

Agad na pinakilos ni BoC-EG Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno ang kanyang mga tauhan upang makumpiska ang mga kontrabando.

Sa bisa ng letter of authority na nilagdaan ni BoC Commissioner Alberto Lina at sa mission order na inilabas ni Nepomuceno ay isinagawa ang operasyon.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Agad na nakipag-ugnayan sa lokal na pulisya, gayundin sa chairman ng barangay, bago tinungo ang apat na palapag na gusali at tinanggap ng isang “Linda”.

Mabilis na itinanggi ng babae na siya ang may-ari at ibinigay ang mga dokumento sa naturang din gusali sa 1741 Old Antipolo Street, kanto ng Pedro Guevarra Street sa Sta. Cruz, na nakarehistro sa Paloma General Merchandise.

May kabuuang 31,986 na pakete ng Marlboro Red, Marlboro Lights Menthol, Philip Morris, Fortune Menthol, Fortune Lights, Fortune Blue, Jackpot Menthol, Jackpot Red, Hope, More, Fortune Red, Marlboro Black Menthol at Mighty Menthol 100s ang natuklasang nakaimbak at ibinibenta sa publiko.

Pagkatapos ng operasyon, agad na nagbaba ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) dahil sa pekeng mga sigarilyo, na paglabag sa Section 2530, Property Subject to Forfeiture, sa ilalim ng Tariff and Customs Code of the Philippines, na may kaugnayan sa RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).

Mina Navarro