Pinabulaanan ng pamunuan ng Liberal Party (LP) na magreresulta sa pagkakawatak-watak ng partido ang kandidatura ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

“Now, we don’t have differing opinions, we have only one opinion to rally behind Roxas,” ito ang mariing pahayag ni House Speaker at LP Vice Chairman Feliciano Belmonte Jr. matapos hingan ng reaksiyon sa mga espekulasyon na magkakawatak-watak ang partido bunsod ng pagkakaendorso ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa kalihim bilang standard bearer sa 2016.

Pinipilit palutangin ng ilang kampo na hindi lahat ng miyembro ng LP ay suportado si Roxas bilang pantapat ng administrasyon kay Vice President Jejomar Binay sa 2016.

Ngunit taliwas ito sa ipinakita ng mga miyembro ng LP noong Biyernes sa Club Filipino, dahil full force ang mga ito sa tinawag na “Gathering of Friends” para sa pormal na pag-endorso ni PNoy kay Roxas.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Pinangunahan nina Senate President Franklin Drilon at Belmonte ang mga miyembro ng LP na dumagsa sa nasabing event, tulad nina Senators Bam Aquino, Ralph Recto at TG Guingona.

Kumpleto rin ang attendance ng mga batang kongresista tulad nila Kit Belmonte, Miro Quimbo, Dax Cua, Dan Fernandez, Sam Gullas at Alfred Vargas.

Emosyonal ang naging pagtanggap ni Roxas sa pag-eendorso ni PNoy.

Sinabi ni Roxas, “Pakiramdam ko, ipinapasa mo (Pangulong Aquino) sa akin ang mga ipinaglaban ng iyong mga magulang. Malaking karangalan po sa akin ‘yun, Mr. President.” (BETH CAMIA)