Naniniwala si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na malaking tulong ang pag-endorso ni Pangulong Benigno S. Aquino III kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa pag-angat ng kalihim sa survey ng mga presidentiable, sa tulong ng makinarya ng administrasyon.

Sa kabila nito, hiniling ng alkalde sa mga botante na huwag gawing basehan ang survey at sa halip, busisiin ang kakayahan at integridad ng isang kandidato bago ito iboto.

Nang tanungin kung susuportahan niya ang kandidatura ni Roxas, sagot ni Duterte: “Bibitaw ako kung isasama si (Justice Secretary Leila) de Lima sa slate ng Liberal Party.”

Matatandaan na nagbangayan sina Duterte at De Lima matapos bansagan ng alkalde ang kalihim na “incompetent” sa paghawak sa nabuking na anomalya sa New Bilibid Prison (NBP).

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Bukod dito, inakusahan din ni De Lima si Duterte na nasa likod ng serye ng salvaging sa Davao City.

Sa kanyang TV program na “Gikan sa Masa, Para sa Masa,” naniniwala si Duterte na pukpukan ang magiging labanan nina Roxas, Vice President Jejomar Binay at Senator Grace Poe na itinuturing niya na pawang “good presidentiable.”

Naniniwala ang kalihim na pupuntiryahin si Poe sa isyu ng citizenship nito, habang si VP Binay ay mabubugbog sa alegasyon ng katiwalian.

Si Roxas, aniya, ay kailangang magdoble-kayod upang umangat sa survey ng mga presidentiable. (Jonathan Santes)