Inaprubahan ng Kamara ang panukalang magkakaloob ng tamang direksiyon at paggabay sa mga mag-aaral sa high school upang matukoy nila ang angkop na kurso sa kolehiyo.

Sinabi ni Rep. Kimi S. Cojuangco (5th District, Pangasinan), chairperson House Committee on Basic Education and Culture, na ang aprubadong House Bill 5605 ni Rep. Arthur R. Defensor, Jr. (3rd District, Iloilo) ay magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante upang magtamo ng tama at wastong desisyon sa pagpili ng kurso tungo sa produktibong hanapbuhay sa kinabukasan.

Isa sa mahalagang probisyon ng panukala o ng “Secondary Schools Career Guidance and Counseling Act” ay ang paglikha ng National Secondary Schools Career and Counseling Program (NSSCGP) na pangangasiwaan ng Department of Education (DepEd).
National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa