Bea Alonzo

MARIING pinabulaanan ng taga-Star Magic ang tsikang buntis si Bea Alonzo kay Zanjoe Marudo, kaya nangangayayat nang huli siyang makita sa launching ng isang feminine product.

 

Nagsimula ang tsikang buntis si Bea mula sa isang blog na hindi nagbibigay ng identity kaya ang tawag ni Bossing DMB ay ‘dubious blog.’

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

 

Napagkamalang buntis si Bea dahil humpak daw kasi ang mukha na isa sa mga palatandaan ng paglilihi. Ganito rin daw ang nakitang senyales noon kay Cristine Reyes na mega-deny na buntis pero kalaunan ay umamin na rin dahil hindi na kayang itago.

 

Pagtatanggol ng taga-Star Magic kay Bea, “Paano mabubuntis, busy sa shooting ng Crossroads at nagpara-sailing pa.  Di ba masama ‘yun kung buntis?” 

 

Oo nga naman, baka sadyang nagbawas ng timbang ang aktres dahil kailangan sa pelikula.

  

Anyway, iisa ang tanong ng netizens, kailan daw uli mapapanood si Bea sa teleserye?

  

Huling napanood si Bea sa seryeng Sana Bukas Pa ang Kahapon kasama sina Paulo Avelino at Albert Martinez noong Oktubre 2014.