Kim Dy of ShopPinas spike was blocked by Phillips Hazel Mea during PSL action at SanJuan Arena.    Photo by Tony Pionilla

Sumalo sa pamumuno ang Shopinas matapos makamit ang ikalawang sunod na panalo nang gapiin ang Philips Gold, 25-18, 26-24, 29-27, kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2015 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference sa FIlOil Flying V Arena.

Gaya sa nangyari sa second set, muling humabol ang Shopinas sa Philips Gold sa third set hanggang sa umabot sa apat na match point, ang pinakahuli ay sa iskor na 28-27, kasunod ng block ni Kim Dy bago nila tuluyang nakamit ang tagumpay mula sa regalong puntos ng Lady Slammers sanhi ng attack error ni Myla Pablo.

Una rito, mula sa huling pagtatabla sa iskor na 23, una pang naka-match point ang Lady Slammers matapos ang block ni Iris Tolenada kay Stephanie Mercado.

'Walang matitira, ubos sila!' Netizens napa-react na i-firing squad mga korap

Ngunit tumabla ang Lady Clickers kung saan ay tuloy na umungos sa match point kasunod ng service error ni Leuseht Dawis at quick kill ni Micmic Laborte.

Ang huling pagkakataon na lumapit sa set win ang Philips ay nang muling humantong sa match point, 27-26, kasunod ng tap ni Hazel Mea.

“Nakatutuwa lang kasi ‘yung mga instructions ko nasusunod naman. Pero hirap pa rin kasi nag-aadjust pa rin sa setter,” pahayag ni Shopinas coach Ramil de Jesus.

Pinangunahan nina Mercado at Charlene Cruz ang nasabing panalo sa itinala nilang tig-9 puntos habang nagtapos namang top scorer para sa Philips na may 34 errors si Michelle Gumabao na may 13 puntos.

Makaraang maunahan sa first set, muntik pang makatabla ang Lady Slammers nang makipagdikdikan at tuluyang lumamang sa second set, 20-16, buhat sa ilang beses na pagtatabla, ang pinakahuli ay sa 14-all.

Ngunit nagawang humabol ng Lady Clickers hanggang sa maitabla muli ang iskor sa 22-all.

Ito’y bunga na rin ng tatlong sunod na errors ng Lady Slammers hanggang sa huling deadlock ng set sa 23-all.

Buhat doon ay nakauna sa match point ang Shopinas matapos ang isang hit ni Charlene Cruz na sinundan ng isa pang regalong puntos mula sa Philips Gold sanhi ng attack error ni Michelle Gumabao na nagbigay ng 2-0 bentahe sa una.