Pasasayahin ng Philippine Sports Commission (PSC), ang organizer ng Laro’t-Saya sa Parke, ang Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday) sa pagsasagawa ng family oriented at kalusugang programa sa malawak na Burnham Green sa makasaysayang Luneta Park.

Agad ilulunsad ng PSC ang programa para sa mga pamilya na nakatuon sa isports na inendorso ng Malakanyang upang ituro ang iba’t ibang sports sa kabataan upang mailayo na rin sa ipinagbabawal na gamot.

Napag-alaman kay PSC LSP area coordinator Atty. Dole Llanto na isang magandang pagkakataon na makibahagi ang Laro’t-Saya sa pagbibigay saya sa Linggo ng Pagkabuhay matapos ang obserbasyon ng Mahal na Araw.

“Marami ang humihiling na isagawa natin sa Easter Sunday. Hindi naman siguro masama dahil selebrasyon din iyon ng mga tao sa ating nakagisnang tradisyon,” sinabi ni Llanto.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Umabot sa kabuuang 977 katao ang nagpartisipa sa anim na sports na itinuturo sa Luneta kung saan ay 27 sa arnis, 40 sa badminton, 66 sa chess, 19 sa karate, 67 sa volleyball, 741 sa zumba at 17 ang kabilang naman sa Senior Citizens.

Nang isagawa ang programa ngayong taon sa Luneta Park, mahigit sa 900 katao ang nagpartisipa sa nakalipas na pitong linggo. Ginanap din ang programa sa Kawit, Cavite, Iloilo, Bacolod City, Paranaque, Quezon City Memorial Circle, San Carlos City, Negros Occidental, Baguio City, Cebu City at Tagum, Davao del Norte.

Umabot naman sa kabuuang 380 katao ang sumabak sa Laro’t-Saya sa Kawit, Cavite kung saan ang Zumba/aerobics ay mayroong 229, badminton (34), volleyball (90) at taekwondo (27).

Nakatakda rin ilunsad sa susunod na buwan ang programa sa kinilalang New Seventh Wonder of the World na Vigan City, Ilocos Sur, sa Kalibo, Aklan at Misamis Occidental.