Maaari namang ireporma na lang ang proseso ng annulment at legal separation sa bansa, sa halip na isulong ang diborsiyo na mariing tinututulan ng Simbahang Katoliko.

Ang pahayag ay ginawa ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kaugnay ng lumalakas na suporta ng maraming Pinoy sa pagpapasa sa panukalang nagsusulong ng diborsiyo sa bansa upang mas mabilis na makalaya ang isang tao mula sa bigong pagpapakasal.

Ayon kay Secillano, hindi na kailangang ipasa ang diborsiyo sa bansa dahil may mga probisyon na sa Saligang Batas upang matuldukan ang isang bigong kasal, tulad ng annulment at legal separation.

Aminado naman si Secillano na magastos at pahirapan ang proseso ng legal separation at annulment, ngunit sinabing maaari namang ireporma na lang ito ng mga mambabatas.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

“Even if they argue that it is for the pursuit of one’s rights and freedom to be out of a ‘hellish’ union, there are provisions in our laws which guarantee such. Now, if annulment and legal separation do not appeal much to couples that are on verge of separation because they take a long time, are costly, and burdensome, then why don’t our lawmakers pass a law to reform the process instead of adding another, that is, divorce,” paliwanag ni Secillano.

Nilinaw pa ni Secillano na kailanman ay hindi maaaring suportahan ng Simbahan ang isang bagay na mismong si Kristo ay idineklarang hindi katanggaptanggap.

Nanawagan rin ang pari sa mga mambabatas na huwag magpadala sa panawagan ng mga tao.

“I challenge the lawmakers not to be moved by popular opinion. Vox populi is not at all times Vox Dei!” ani Secillano.