MIAMI (Reuters)– Nalampasan ni world number one Novak Djokovic ang second set fightback ng Slovak na si Martin Klizan bago niya napanalunan ang kanyang opening set match sa Miami Open, 6-0, 5-7, 6-1.

Si Djokovic, na target masundan ang kanyang pagkapanalo noong nakaraang linggo sa Indian Wells sa pamamagitan ng ikalimang panalo sa Key Biscayne, ay tinapos ang first set sa loob lamang ng 22 minuto, ngunit na-break sa kanyang serving para sa laban sa 5-3 sa ikalawang set.

Nadiktahan ni Klizan ang set at ipinaramdam sa crowd ang nalalapit na upset, ngunit nakapag-regroup si Djokovic at dinomina ang ikatlong set.

Makakatapat ni Djokovic ang Belgian qualifier na si Steve Darcis sa susunod na round.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Naging maganda naman ang umpisa ni Kei Nishikori ng Japan sa Miami Open nang kanyang talunin ang Russian na si Mikhail Youzhny, 6-2, 6-1, sa kanilang paghaharap sa second round.

Si Nishikori, ang fourth seed sa Key Biscayne, ay napanalunan ang 70 porsiyento sa kanyang service points at nai-convert ang lima sa kanyang 16 break chances.

“I felt really good on the court. Really confident,” sabi niya. “I was almost dictating the court against Misha, and serving well. Everything was good.”

Nanaig si Jo-Wilfried Tsonga sa kanyang unang laro mula nang magbalik mula sa isang injury, 6-4, 3-6, 6-3, laban sa American na si Tim Smyczek.

Ang Frenchman ay hindi naglaro sa pagsisimula ng taon matapos ma-injure sa Davis Cup final laban sa Switzerland noong Nobyembre.

“I didn’t expect to play my best tennis today, but I’m happy the way I managed my match,” ani Tsonga.

“I just had a little hole in the second set. But it’s normal when I haven’t played in a couple of months now. I hope it’s going to be better and better, but for the first match it was already something good for me.”

Samantala, tinalo naman ng sixth seed na si David Ferrer ng Spain si Federico Delbonis ng Argentina, 6-1, 6-1.