INDIANAPOLIS (AP)– Umaasa pa rin si Paul George na makababalik siya sa lineup ng Indiana Pacers ngayong season.

Sinabi ng two-time All-Star forward sa ensayo noong Sabado na pakiramdam niya’y nakapasa siya sa lahat ng pagsusuri upang makapaglaro, ngunit naghihintay pa rin ng clearance mula sa medical staff ng koponan bago gawin ang kanyang season debut.

Hindi pa muling nakapaglalaro sa isang laban si George mula nang magtamo ng nakapangingilabot na broken right leg sa isang scrimmage ng USA Basketball noong nakaraang summer.

Ngunit tila paubos na ang oras, nalalapit na ang pag-uumpisa ng NBA playoffs sa susunod na buwan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ang Indiana ay natalo sa pito sa huling walong laro nito.