Upang bigyang-daan ang Semana Santa, simula sa katapusan ng Marso, ang lahat ng mga traffic enforcer at rescue team ng Lungsod Quezon ay may pasok sa trabaho, ayon sa direktiba ng hepe ng Quezon City department of public order and safety (DPOS) Elmo San Diego.

Sa direktiba ng hepe ng DPOS, ang traffic personnel ng Lungsod ay aalalay sa mga tauhan ng police at traffic management force na itinalaga ng Quezon City Police District at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga lugar sa panahon ng Semana Santa sa Quezon City.

Pakikilusin naman ang rescue team ng Quezon City para rumesponde sa mga emergency situation.
Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?